TARLAC CITY - Inihayag ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) na simula sa susunod na buwan ay magiging fully integrated na ang North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) dahil pag-iisahin na ang toll collection system ng dalawang highway.

Sinabi ni MNTC Vice President for Marketing Renee Ticson na hindi na kailangang pumila nang matagal at dalawang beses sa magkasunod na toll gate ng Dau sa NLEX at Mabalacat sa SCTEX dahil babaklasin na ang mga ito.

Bilang paghahanda sa full integration, nagtatayo na ng toll plaza sa dulo ng NLEX sa Sta. Ines sa Mabalacat dahil mawawala na ang toll gate sa Dau.

Itinatayo na rin ang isang malaking toll plaza sa may La Paz, Tarlac na hangganan ng SCTEX na nakaugnay sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway. (Leandro Alborote)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder