Rochelle at Nico copy

MAY titulong Lam-Ang ang unang indie film na ginawa ni Rochelle Pangilinan at magkatambal sila ni Rocco Nacino pero na-shelved ito, at hindi na nila alam kung itutuloy ito. Ilang araw na rin silang nag-shooting noon sa Vigan, Ilocos Norte. 

“Sayang kasi maganda ang story, pero kung gusto pa itong ituloy ng producer, dapat ay simulan muli ang shooting dahil ibang-iba na hitsura namin ni Rocco ngayon,” sabi ni Rochelle nang makausap namin bago ginanap ang presscon ng Tandem. 

“Kaya bale itong Tandem ang first indie film ko at marami akong natutunan habang ginagawa namin ito. Ngayon ko lang nalaman na p’wede palang magmura sa dialogues ng indie film. Nabigyan kami ng R-16 ng MTRCB hindi dahil sa dialogue kundi sa tema ng pelikula. Pero nabigyan naman kami ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Katambal ni Rochelle si Nico Antonio at kapatid nito sa story si JM de Guzman. Hindi naman inilihim ng production na kaya wala si JM dahil sabi’y nasa rehabilitation center pa ito.

“Nakakapanghinayang, dahil ang husay-husay na actor ni JM. Pero ginawa pa namin ito ng March or April 2015, at wala naman kaming nakitang iba kay JM. Tahimik lang siya sa set, pero kapag eksena na niya, walang problema.”

Mag-asawa ang role nina Nico at Rochelle sa story at preggy ang huli kaya wala silang love scene. Biniro kasi si Rochelle kung kaya niya ang ginawang love scenes ng co-PPL artist niya na si LJ Reyes Anino Sa Likod Ng Buwan at nina Elora Espano at JM sa Tandem. 

“Hindi ko po talaga kaya ang makipag-love scene, siguro kahit sa boyfriend ko (Arthur Solinap) hindi ko kaya, o baka lalong hindi ko kaya kung si Arthur ang ka-love scene ko. Kahit may offer na malaki o acting awards kapalit ng love scene, hindi ko pa rin tatanggapin. Hindi po ako tatanggap ng trabaho na hindi ko naman maidi-deliver ang role na ibibigay nila sa akin.”

Ang Tandem na isang napapanahong pelikula ay mula sa direksiyon ni King Palicoc at produced ng Quantum Films, Tuko Film Productions at Butchi Boy Films. Mapapanood na ito simula sa February 17. (NORA CALDERON)