Nabalian ng binti at nawalan ng malay ang isang 44-anyos na preso makaraan siyang tumalon mula sa bintana sa ikatlong palapag ng Manila City Hall, na roon sana siya isasailalim sa inquest sa Manila Prosecutors Office (MPO), nitong Martes ng hapon.

Si Raul Basco, ng 2239-E Singalong Street, Malate, Manila ay isinugod sa Ospital ng Maynila (OSMA) ng mga miyembro ng Manila Police District-Manila City Hall Action and Special Assignment (MPD-MASA) para malapatan ng lunas.

Nauna rito, dinala nina PO3 Perlita Garcia, ng MPD-PS9 Women’s and Children’s Protection Desk at Barangay Kagawad Rolando Navarro si Basco sa piskalya upang i-inquest sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children).

Gayunman, pagsapit sa Prosecutors’ Office ay bigla na lang tumakbo at umakyat sa bintana ang nakaposas na si Basco at tumalon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bumagsak siya sa sementadong sahig ng inner court ng MCH, at nabalian siya ng binti at nawalan ng malay.

Inoobserbahan na si Basco sa pagamutan. (Mary Ann Santiago)