Hindi nakalusot ang mga campaign poster ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, kumakandidato sa pagkasenador, sa ikinasang “Oplan Baklas” ng MMDA.

Sa ikalawang araw ng pagpapatupad ng kampanya, sinabi ni MMDA Metroparkway Clearing Group head Francis Martinez, muling napuno ang kanilang mga truck ng mga campaign material at political streamer.

Marami sa mga binaklas na illegal campaign material ay may mga katagang “Happy Valentines” at “Congratulations, Graduates” na taglay din ang pangalan at larawan ng mga kandidato.

Gamit ang mga hagdan, itak at cutter, sinuyod ng mga tauhan ng MMDA ang mga kalsada sa Makati City, at Quiapo, Manila upang linisin ang mga ito ng mga illegal campaign material.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Marami sa mga binaklas na political streamer ay isinampay sa mga kable ng kuryente, traffic light, bakuran, poste, footbridge at puno.

Ang mga binaklas na poster, banner, tarpaulin at streamer ay hinakot sa impounding area ng MMDA sa Ultra, Pasig City.

Bago pinagbabaklas, kinunan muna ng MMDA clearing team ng larawan ang mga illegal campaign material.

Ayon kay Martinez, isasalang sa recycling ang mga nakumpiskang campaign material upang magamit ang mga ito sa ibang bagay. (Ana Liza Villas-Alavaren)