ANG buwan ng mga puso ay taunang ipinagdiriwang tuwing Pebrero sa napakaraming bansa sa mundo, kasama na ang Pilipinas, upang imulat sa lahat ang kahalagahang makaiwas sa sakit at tamang pag-aalaga sa mga may karamdaman sa puso.

Mula 2015, ang pinakakaraniwang sakit sa puso sa bansa ay cardiovascular disease (CVD), na mahigit sa 17 milyon ang namamatay taun-taon. Sa United States, gumagawa ng espesyal na pagsisikap tuwing Pebrero upang itaas ang kamalayan tungkol sa sakit sa puso sa kababaihan, at upang ibahagi ang mahalagang mensahe sa kalusugan. Sa Canada, ang Heart Month ay isang pambansang kampanya na nagra-rally pa ang mga tao upang ipaalam sa lahat ang epekto ng sakit sa puso sa buhay ng lahat ng Canadian, at upang makalikom na rin ng pondo. Sa United Kingdom, hinihikayat ng British Heart Foundation (BHF) ang mga miyembro nito na magsuot ng pula at maging punong abala sa isang event sa Pebrero 5, 2016 para makakalap ng pondo, upang suportahan ang pananaliksik ng foundation. Nagsasagawa rin sila ng espesyal na paraan upang ipaabot sa lahat ang mga sakit sa puso na maaaring makuha ng kababaihan, at nagbabahagi ng mahahalagang mensahe ng puso.

Sa Pilipinas, idineklara ang Pebrero bilang National Heart Month (NHM) sa buong bansa sa tulong ng Presidential Proclamation No. 1906, s 1973. Kinikilala ng proklamasyon na “the heart is the set of life.” Layunin nitong ipaalam sa lahat ang paglaganap ng mga kaso ng sakit sa puso bilang problema sa kalusugan. Sinisikap na magsagawa ng programang nagbibigay-diin sa patuloy na pananaliksik at pag-aaral hinggil dito.

Nangunguna sa nasabing pagdiriwang ang Department of Health (DoH) kaagapay ang mga medical association at mga propesyonal. Pamumunuan ni Philippine Heart Association (PHA) Vice President at Committee Chairman on Councils and Chapters Dr. Raul L. Lapitan ang pagdiriwang ng NHM 2016. Ilan sa mga nakatakdang aktibidad ay ang educational forum para sa healthy lifestyle at heart disease prevention; mga exhibit na may risk factor screenings, hypertension screening at check up, libreng ECG at cholesterol check, weight circumference at body mass index assessment, at pagtuturo ng tamang CPR.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Laging nangunguna sa listahan ng 10 sakit na nakamamatay sa Pilipinas ang hypertension at cardio-vascular diseases.

Dahil raw lagi tayong nakaupo, hindi aktibo ang katawan, at unhealthy ang life style. Kaya nga hinihikayat ang mga Pilipino na regular mag-ehersisyo, magkaroon ng heart-friendly diet, magkaroon ng sapat na pahinga at relaxation, regular na check up sa dugo, at iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.