Magtago na ang mga aborsyonista.

Ito ang banta kahapon ni Manila Rep. Amado S. Bagatsing.

Sinabi ng kongresista na libu-libong sanggol ang hindi man lamang nasilayan ang liwanag ng mundo dahil sa patuloy na pagsasagawa ng aborsiyon sa Pilipinas.

Dahil dito, inakda niya ang House Bill 567 na naglalapat ng parusa sa mga nagsasagawa ng aborsiyon.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod dito, patitindihin pa ang parusa sa pag-amyenda sa Articles 256, 257, 268, at 259 ng Revised Penal Code.

Paliwanag niya, ang HB 567 ay alinsunod sa Article II, Section 12 ng 1987 Constitution na nagsasabing tungkulin ng gobyerno na bigyan ng pantay na proteksiyon ang ina at sanggol na hindi pa isinisilang.

Sa nasabing panukala, palalakasin ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol na mabuhay at maprotektahan.

Parurusahan din ang sinumang magtatangkang saktan o patayin ang sanggol.

Hindi naman parurusahan ang “intentional abortion”, na sa batas ng Pilipinas ay nangangahulugang ang aborsiyon ay dahil sa panganganib ng buhay ng ina, ngunit kailangan pa rin ang permiso ng magulang ng sanggol. (Bert de Guzman)