donny-nietes copy

Mas pinaboran ni ALA Promotions President Michael Aldeguer na makasagupa ni reigning World Boxing Organization (WBO) light flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes si Raul Garcia ng Mexico kesa makasagupa sa pangatlong pagkakataon ang mandatory challenger na si Moises Fuentes.

Sa panayam na nailathala sa PhilBoxing.com bago tumulak patungong Estados Unidos, sinabi ni Mike Aldeguer na personal niyang idudulog ang kanyang plano sa WBO para maidepensa ni Nietes ang korona sa Mayo 21 sa Pilipinas at sa Setyembre na lamang makaharap si Fuentes sa ihahanda nilang pangalawang international promotions sa StubHub Center sa Carson, California.

Ayon kay Aldeguer, hindi tumutol si Fernando Beltran, ang CEO ng Zanfer Promotions ng Mexico, sa kanyang proposal ngunit wala pa silang pormal na kasunduan dahil kinakailangan muna ng pagsang-ayon ni WBO President Francisco “Paco” Valcarcel.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Matatandaang si Valcarcel ang nag-atas ng ikatlong engkuwentro nila Nietes at Fuentes, dinurog ng longest Filipino reigning champion noong Mayo 10, 2014 kung saan tatlong beses niyang pinabagsak ang Mexican sa 9th round sa Mall of Asia Arena sa Manila Bay.

Nais ni Aldeguer na ganapin ang Nietes-Fuentes mandatory sa Estados Unidos dahil pinupuntirya ng ALA Promotion ang malaking boxing event na maipalabas sa mas malawak na American audience.

Gayunman, kung hindi sasang-ayon si Valcarcel, nakahanda pa ring dumayo si Nietes sa mismong teritoryo ni Fuentes sa Mexico na ilang beses na ring matagumpay na naipagtanggol ng tinaguriang “Ahas” ang kanyang dating hawak na WBO minimumweight title.

Kakambal si Hirales ng dati nang inagawan ni Nietes ng WBO light flyweight title na si Ramon Garcia Hirales sa pamamagitan ng 12-round unanimous decision sa University of St. La Salle Coliseum sa Bacolod City noong Oktubre 8, 2011. (Gilbert Espeña)