Hinamon ng mga grupong militante ang mga botante na bigyan ng timbang ang isyu ng naudlot na P2,000 pension hike ng Social Security System (SSS) sa pagpili ng kanilang kandidato sa eleksiyon sa Mayo.

“We call on all workers and pensioners to continue pressing for a P2,000 pension hike, even as the campaign season for the 2016 elections starts today,” sinabi nitong Martes ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Vice Chairman Roger Soluta.

Matatandaan na hindi nilagdaan ni Pangulong Aquino nitong Enero ang House Bill 5842 na magdadagdag ng P2,000 sa pensiyon ng mga retirado.

Idinahilan ni PNoy na posibleng magbunsod ito ng pagkabangkarote ng SSS, dahil sa kakulangan ng pondo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil dito, nanawagan ang KMU kay House Speaker Feliciano Belmonte na isulong ang P1,000 pension hike bilang alternatibo sa naudlot na panukala.

“The P1,000 monthly pension hike being proposed by Belmonte would amount to nothing because the daily Family Living Wage in the country currently stands at P1,088,” pahayag ni Soluta, base sa pag-aaral ng Ibon Foundation.

Naniniwala si Soluta na ang panukalang P1,000 pension hike na isinusulong ng Liberal Party ay isang hakbang upang maproteksiyunan ang mga kandidato sa pagbuwelta ng mga botante sa pag-veto ni Aquino sa HB 5842.

“Belmonte’s proposals…are meant to appease SSS pensioners, workers and other sectors of society who are enraged by Aquino’s veto and Congress’ refusal to override the veto so the government can buy time, wear out protests, and not implement a pension hike,” ayon kay Soluta.

“If officials of the Aquino government think that proposals for a P1,000 pension hike would defuse the anger of SSS pensioners and members, then they are sorely mistaken. Our anger will surely impact negatively on the Liberal Party’s chances come the May polls,” dagdag niya. (Samuel P. Medenilla)