KALIBO, Aklan – Naghahanda ang Commission on Elections (Comelec) sa Aklan at Cebu para sa isasagawang mock elections sa dalawang lalawigan sa Sabado, Pebrero 13.

Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng Comelec-Aklan, may 400 katao ang inimbitahan para makibahagi sa mock polls sa Kalibo at Malay, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Napili ang Aklan at Cebu sa random selection ng Comelec main office sa Intramuros, Maynila.

Sa Aklan, gagamit ng mga Vote Counting Machine sa mock elections sa Kalibo Pilot Elementary School, Linabuan Norte Elementary School sa Kalibo; at sa Malay covered court, at Balabag Elementary School sa Boracay Island sa Malay.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

(Jun N. Aguirre)