MAGANDANG pang-buena mano sa nalalapit na summer season ang kakaibang gimikan para sa buong pamilya at barkada na ipinakita ni Korina Sanchez-Roxas sa katatapos lamang na episode ng Rated K.

Nangunguna rito ang Tadlak o Aligator Lake na matatagpuan sa Los Baños, Laguna – na may mga higanteng slide na susukat sa katapangan ng mga ekskursiyonista. Mayroon din malalaking swing at 32 feet na diving board. Ipinakita rin ng misis ni Mar Roxas ang Museo Tidlum sa Cebu na kinaroroonan ang isang museo sa ilalim ng dagat. Ipinagmalaki rin ni Koring ang Ariel’s Point sa Boracay, ang sikat na cliff diving site sa buong mundo.

Mahilig talagang magpakita si Koring ng mga kakaibang lugar na tiyak na kagigiliwan ng mga Pinoy. Alam na alam niya ang panlasa ng ating mga kababayan dahil maging siya at si Mar ay adventurous din. Sa katunayan, isa sa mga libangan ng mag-asawa ang mag-diving sa iba’t ibang dive spots sa Pilipinas, partikular sa mga abot-kayang dive spots sa Batangas na napakalapit sa Maynila.

Parehong abala sa trabaho sina Mar at Korina, pero kapag may libre silang oras sa weekends, sinasamantala nila ang pagkakataong makapag-bonding at mag-dive.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa beterana at respetadong broadkaster, isa sa mga pangtanggal stress ni Mar ang pagmamaneho kaya enjoy na enjoy sila sa mga long drive nila papuntang Batangas. 

“Kalimitan overnight lang kami at talagang sinusulit namin ang mga nakaw naming out-of-town trips. Kaya talagang recharged na recharged kami pagbalik namin sa Maynila,” nakangiting kuwento ni Korina.

Dahil sa sobrang hectic ng kanilang schedules nitong mga nakaraang buwan, hindi na nakakapag-dive ang mag-asawa kaya sabik na sabik na silang bumalik sa Batangas upang mag-dive kapag nabigyan uli sila ng pagkakataon. (ADOR SALUTA)