LONDON (AFP) — Umalingawngaw ang mga awiting Latin sa pasilyo ng Hampton Court Palace sa London sa unang Catholic service sa loob ng mahigit 450 taon, na ginanap sa tahanan ng kontra papa na si King Henry VIII.

Pinamunuan ni Cardinal Vincent Nichols, pinuno ng Simbahang Katoliko sa England at Wales, ang pagdiriwang ng Vespers prayer kasama si Anglican Bishop of London Richard Chartres sa isang simbolikong pagpapakita ng pagkakasundo.

“One historian said Henry VIII would be spinning in his grave at the thought of what is going on this evening,” sabi ni Nichols bago ang panalangin sa Chapel Royal ng palasyo, na direkta pa ring pinamamahalaan ng pinuno ng Church of England na si Queen Elizabeth II.

Ang tagpo ay “powerful symbol of where we are in our relationship but also of what we still have to do to strive to heal and work together,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang Hampton Court ay itinayo ni Cardinal Thomas Wolsey ngunit sinamsam ni Henry VIII nang tumanggi ang Vatican na ipawalang bisa ang kasal nito kay Catherine of Aragon upang mapakasalan si Anne Boleyn sa simula ng English Reformation.

Kasunod nito ay itinatag ni Henry VIII, namuno mula 1509 hanggang 1547, ang Church of England sa ilalim ng kapangyarihan ng monarkiya ng Britain imbes ng mga papa sa Rome.