Gusto ni Masbate Rep. Maria Vida Bravo na ideklara ang Dampalit Sea Snake Island sa lalawigan bilang protected area, na isasailalim sa kategorya ng wildlife sanctuary at critical habitat.
Sa kanyang House Bill 6363, binibigyan ng mandato ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Protected Area Superintendent Office (PASu), sa ilalim ng superbisyon ng Protected Area Management Board (PAMB), na bumuo ng 25-year management plan, sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, komunidad, at mga ahensiya ng gobyerno.
Sasaklawin ng Dampalit Sea Snake Island Wildlife Sanctuary at Critical Habitat ang buong Barangay Halabangbaybay sa bayan ng San Pascual. (Bert de Guzman)