Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, magsasagawa ang Armed Forces General Services ng two-stage coaching seminar para mapataas ang kalidad ng mga military coaches at mapalakas ang performance ng mga atleta.
Karamihan sa mga atleta at coaches sa national team ay kasapi sa tatlong branches ng AFP. Ito ang dahilan kaya magsasagawa ang mga officials sa General Services ng naturang seminar.
Ang naturang seminar ay sinuportahan ng Philippine Olympic Committee at gagawin sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City.
“The seminar designed to upgrade the skills and sports officiating of the coaches. As you know, most of the coaches and national athletes are members of three branches of the AFP,” pahayag ni PSC Chairman Ricardo Garcia.
Ang seminar ay hahatiin sa dalawang grupo umpisa sa Feb. 22-26 kung saan dadaluhan ng mga coaches sa dragon boat, karatedo, shooting, swimming, taekwondo, at wushu at ang pangalawa sa Feb. 29-March 4 na lalahukan ng mga coaches sa arnis, athletics, chess, football, table tennis, triathlon at volleyball.
Ang naturang seminar ay bahagi rin ng paghahanda sa mga darating na international competitions kasama na ang Southeast Asian Games at Asian Games.
Karamihan sa mga atleta at coaches sa lahat na National Sports Associations ay mga enlisted personnel sa AFP.
Kabilang ditto sina Brazil Olympic-bound at two-time Olympian Marestella Torres, London Olympian Rene Herrera at SEA Games gold medalist Christopher Ulboc at mga boxers sina Charley Suarez, Mario Fernandez at coaches Pat Gaspi, Elias Recaido at ang magkapatid ng Velasco sina 1992 Barcelona Olympic bronze medalist Roel at Nolito.