Suportado ng Department of Justice (DoJ) ang batas na magbibigay ng value-added tax (VAT) exemption sa mga may kapansanan o persons with disability (PWDs).

Nakuha ng Senate Bill No. 2890 at House Bill No. 1039 ang suporta ng DoJ, na nagsabing walang kuwestiyong legal sa pagpapasa nito.

Pareho nang pasado sa ikatlong pagbasa ang nasabing mga panukala.

Ayon sa DoJ, sa pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga PWD ay kinikilala ng gobyerno ang mahirap na sitwasyon ng mga ito, at napoprotektahan ang mga karapatan, kasama na ang pangangailangan sa suporta.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binigyang-diin ng DoJ na layunin ng naturang batas na suportahan ang Section 11, Article 2 ng Konstitusyon, na magbibigay ng dignidad sa lahat ng tao sa bansa at titiyaking bibigyan sila ng respeto at igagalang ang kanilang mga karapatan.

Ayon pa sa DoJ, hindi apektado nito ang implementasyon ng revenue collection ng gobyerno, ngunit dapat pa rin itong ikonsulta sa Department of Finance (DoF) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa panukalang batas, bibigyan ng exemption sa pagbabayad ng VAT ang mga PWD sa ilang serbisyo at bilihin.

Dagdag pa rito, magkakaroon ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga PWD sa professional fees ng mga doktor, gayundin sa funeral services. (Leonard D. Postrado)