BEIJING (AFP) — Kinumpirma ng China nitong Martes ng gabi ang unang kaso ng Zika sa bansa.

Sinabi ng mga opisyal ng China na ang 34-anyos na lalaki ay nasuring may virus matapos magbalik mula sa Venezuela noong Enero 28 at nag-ulat ng lagnat, sakit ng ulo, at pagkahilo.

Nagpapagaling na ngayon ang lalaki, mula sa Ganxian county sa timog silangang probinsiya ng Jiangxi, na normal na ang body temperature at nawawala na ang rashes, ayon sa National Health and Family Planning Commission, ulat ng Xinhua news agency.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'