Lumasap ng ikaapat na sunod na kabiguan si dating world rated Pinoy fighter Dennis Tubieron matapos mapabagsak sa ika-7 round knockout ni one-time world title challenger Ryosuke Iwasa ng Japan nitong linggo sa Korakeun Hall sa Tokyo.

Nakipagsabayan si Tubieron kay Iwasa, No. 5 sa IBF sa bantamweight rankings, ngunit mas matutulis ang kombinasyon ng Hapones na nagpanginig sa mga tuhod ni Tubieron.

“Ex-OPBF bantam ruler, Japanese lefty Ryosuke Iwasa (21-2, 13 KOs), 123.75, decked his second victory on the comeback trail as he proved too sharp and swift for game Filipino southpaw Dennis Tubieron (19-7-2, 8 KOs), 123.75, and finally sank him in agony for the count at 1:42 of the seventh session on Saturday in Tokyo, Japan,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

Ito ang ikaapat na sunod na pagkatalo ni Tubieron na dating WBC International bantamweight champion matapos matalo sa puntos kina Josh Warrington ng Great Britain, Mitchell Smith ng United Kingsdom via 1st round knockout at Takafuni Nakajima ng Japan sa 10-round unanimous decision. (gilbert espeñA)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!