Nagpiyansa kahapon sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 142 si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay ng arrest warrant na inisyu ng korte dahil sa kasong libelo na isinampa laban sa kanya ng sinibak na alkalde ng Makati na si Jejomar Erwin “Junjun” Binay.

Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, dumiretso si Trillanes sa programa ng radyo DzBB na “Ikaw Na Ba? The Vice Presidential Interview” bago siya humarap, kasama ang kanyang abogado, sa Makati RTC upang maglagak ng P10,000 piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Pebrero 1 nang naglabas ang korte ng warrant of arrest laban kay Trillanes makaraang mapagtibay na may “probable cause” sa nasabing libelo.

Nagsampa ng libel case ang pinatalsik na alkalde makaraang akusahan ni Trillanes sa publiko si Junjun Binay ng panunuhol ng milyun-milyong piso sa ilang hukom ng Court of Appeals (CA) kapalit ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO) kontra sa suspension order na inisyu ng Office of the Ombudsman laban sa alkalde noong Marso 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi naman pinagbigyan ng Makati RTC ang hirit ni Trillanes na kanselahin ang kasong libelo laban sa kanya at bawiin ang warrant of arrest na inilabas nitong Pebrero 5. (Bella Gamotea)