Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h.

Talk N Text vs. Blackwater

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

7 n.g.

Star vs. Meralco

Sisimulan ng Talk ‘N Text ang title retention bid sa kanilang pagsagupa sa Blackwater ngayong hapon sa pagbubukas ng 2016 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Ngunit, hindi pa man nagsisimula ang laban, pilay na kaagad ang roster ng Tropang Texters dahil hindi makalalaro ang kanilang import na si Ivan Johnson matapos suspendihin ng isang laro ni PBA Commissioner Chito Narvasa dahil sa pananapak kina Elite bigmen Jaypee Erram at Frank Golla sa tune-up game sa Moro Lorenzo Gym noong nakaraang buwan.

Dahil dito, inaasahang sasamantalahin ng Elite ang pagkakataon sa pangunguna ng kanilang import na si MJ Rhett na inihalintulad ni coach Leo Isaac sa NBA star na si Chris Bosch sa pagtutuos ng dalawang koponan ganap na 4:15 ng hapon.

Sa tampok na laro, pangungunahan naman ng dating Best Import na si Denzel Bowles ang kampanya ng Star sa pagsalang kontra Meralco ganap na 7:00 ng gabi.

Magsisilbing sukatan si Bowles ng kadarating pa lamang na import ng Bolts na si dating Syracuse Orangeman Arinze Onuako.

Galing sa isang pro league stint sa Israel si Onuaku, ang ipinalit sa kanilang naunang import na si Malcolm Thomas na sinamang palad na magtamo ng injury sa tuhod noong Sabado sa kanilang tune-up game kontra Globalport.

Habang suspendido si Johnson, sasandigan ng TNT ang kanilang mga pangunahing locals sa pangunguna ni Gilas standout Jason Castro, Gabe Norwood at sophomores na sina Mo Tautuaa at Troy Rosario. (Marivic Awitan)