CAMP MACABULOS, Tarlac City – Dalawang bilanggo na akusado sa kidnap-for-ransom at ilegal na droga ang nakapuga mula sa Tarlac Provincial Jail sa Barangay Dolores, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Nakatakas sina Ernesto Martin, 49, may asawa, ng Bgy. Sto. Domingo, Capas, Tarlac; at Jhona Ordonio, 31, dalaga, ng Sitio Cappia, Bgy. Dampot, Asingan, Pangasinan.

Kidnap-for-ransom ang kinakaharap ni Martin, habang nasangkot naman sa kaso ng ilegal na droga si Ordonio.

Oktubre 29, 2008 pa nakulong si Martin, habang Setyembre 24, 2015 naman si Ordonio at napag-alamang nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

Nadiskubre ang pagtakas ng dalawa dakong 6:15 ng umaga matapos magsagawa ng regular na head count si Provincial Guard 1 Merlita Feliciano. (Leandro Alborote)