Inamin ng Department of Labor and Employment (DoLE) na nagkakaroon ngayon ng moderate retrenchment sa Saudi Arabia, at posibleng libu-libong overseas Filipino worker (OFW) ang mawalan ng trabaho sa Gitnang Silangan.

Isa sa itinuturong dahilan ang paghina ng ekonomiya ng ilang bansang nagpoprodukto ng langis sa rehiyon, epekto ng pagsadsad ng presyo ng produktong petrolyo.

Patuloy na binabantayan ng DoLE ang sitwasyon, at sinabing kung magtutuluy-tuloy ang pagbabawas ng mga manggagawa sa Gitnang Silangan, pinangangambahang aabot sa 1.5 milyong OFW ang mawawalan ng trabaho. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?