Opisyal nang nagsimula ang campaign period para sa halalan 2016. Sa Roxas City at Iloilo napiling isagawa ang kick off ng kampanya ng Team Daang Matuwid nina Mar Roxas at Leni Robredo, parehong balwarte ng administrasyon.

Napuno ang Capiz Gym ng mga suporter ng Tambalang Matuwid na nagmistulang dagat ng dilaw. Kumpleto sa pagdalo ang buong senatorial line up ng administrasyon, kasama si Pangulong Aquino, ang arkitekto ng Daang Matuwid.

“Mga kalaban niya nangangako lang, si Mar Roxas nagtatrabaho na,” sabi ni PNoy sa kanyang talumpati.

Iginiit din ni PNoy na tanging sina Roxas at Robredo lang ang pagkakatiwalan niya para ituloy ang pakikipaglaban para sa malinis na pamamahala. “Bago ako bumaba sa June 30, dapat masiguro ko na mas maayos ang inyong kalagayan, kayo na aking mga boss,” sabi ni Aquino.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Inilatag naman ni Roxas ang kanilang plataporma para sa pamilyang Pilipino. Ang layunin nila ni Robredo ay mapalaya ang Pilipinas sa kagutuman, sa takot, at maging malayang muli para mangarap sa kanilang pamilya.

“Ang sagot? Trabaho. Magpatayo ng pabrika dito sa ating bansa,” sabi ni Roxas. Binanggit din nito ang naging matagumpay na call center industry sa ilalim ng kanyang pagkalinga. (Beth Camia)