Mother Ricky copy copy

KAMPANTE si Ricky Reyes sa pagkatalo sa kasong isinampa laban sa kanya ng isang dating employee na nagngangalang Renato Nocos. 

“Hayaan na natin ang mga ganyang tao, Morly. May abugado naman ako at bahala na siya sa kasong ‘yan,” sabi ni Mama Ricky nang kapanayamin namin matapos katigan ng korte ang kasong isinampa laban sa kanya isang taon na ang nakararaan.

Base sa reklamo ni Nocos, si Mama Ricky at iba pang kasama ay guilty sa ginawang pagtatanggal sa kanyang serbisyo nang matuklasang siya ay HIV positive.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Ayoko nang magsalita tungkol sa bagay na iyan, basta ang masasabi ko lang napakasinungaling ng taong ‘yan. Ang dami-dami niyang ginagawang kasinungalingan,” sabi ng pamosong beauty expert.

“Ang sabi niya, may sakit siya sa baga. Binigyan ko siya ng pera at pinapahinga ko siya. Kahit hindi siya nagwo-work, tuloy pa rin ang kita niya dahil kilala naman n’yo ako. Galing din ako sa mahirap kaya alam ko ang damdamin ng isang taong wala.”

Ayon sa National Labor Relationship Commission (NLRC) ay kinakailangang magbayad si Mama Ricky ng payback wages, salary differencials, emergency cost of living allowances, mandatory 13th month pay, separation pay at attorney’s fee na umaabot sa P615,313.06.

Base sa sampung pahinang desisyon ng labor arbiter na si Joanne G. Hernandez, si Mama Ricky at ang business assistant niyang si Mr. Tonneth Moreno ay natuklasan at napatunayang sapilitang tinanggal ang dating empleyado nang malamang may sakit itong HIV.

Ang ginawa umanong ito ng tanggapan ni Ricky Reyes ay malinaw na paglabag sa karapatan ng isang manggagawa dahil ang sakit daw ni Mr. Nocos ay hindi nakakahawa kung hindi naman ito ay makikipagtalik.

“The HIV illness is not highly contangious and it is not transmitted through thouching, hugging, sneezing eating or drinking commong utensils or being around an infected person. Thus, the means by which they (Reyes, et al) try to protect their employees and customers unduly trampled upon the rights of the complaint (Nocos),” nakasaad sa desisyon.

Ang isinampang kaso ni Nocos ay discrimination, unlawful termination, non-payment of lawful wages and benefits laban kay Ricky Reyes at kay Tonneth Moreno. Tinanggal umano ang complainant noong Febrauty 2014 nang makumpirma na siya ay HIV positive.

Sa salaysay pa rin ni Mr. Nocos, maging ang kanyang Social Security System at PhilHealth ay hindi rin binabayaran ni Mama Ricky nang sapat simula pa noong July 2003 hanggang sa mga sandaling bigla siyang tanggalin.

“Kilala ko ang taong ‘yan, Morly. Ayoko na lang magsalita. Ayoko na lang magpaliwanag. Bahala na ang abugado ko dito. Basta ang masasabi ko lang, sinungaling siya!” sabi ni Mama Ricky. (MORLY ALINIO)