Ogie at Liza copy

MARAMI nang unpleasant experiences na dinanas si Ogie Diaz bilang talent manager.

“Hindi siguro ako business-minded noon at ang pinaiiral ko ay pakikisama,” pag-amin ni Ogie nang makausap namin sa presscon ng Dolce Amore.

Pero this time, masasabing suwerte si Ogie sa alaga at ganoon din naman kasuwerte si Liza Soberano na siya ang naging manager.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Si Liza ang bida sa Dolce Amore, istorya ng dalagang si Serena, laking Italy na umuwi sa Pilipinas upang hanapin ang kanyang pinagmulan o tunay na mga magulang at kalaunan ay nadiskubre ang tamis ng unang pag-ibig nang makilala si Tenten (Enrique Gil).

Kabituin nila si Matteo Guidicelli bilang best friend ni Serena na may lihim na pagtatangi sa dalaga.

Napakasuwerte ni Ogie dahil sa loob lamang ng maikling panahon ay sumikat nang husto si Liza. Certified top-rater ang Forevermore na unang tambalan sa TV nina Liza at Enrique. Nasundan ito ng dalawang pelikula na dinumog na kanilang mga tagasubaybay.

Napakaganda ni Liza na tila walang masamang anggulo. She is also very young at ang pinakamahalaga ay may talent sa pagganap. Maging ang discriminating movie critics ay saludo sa kanyang galing sa pag-arte. 

Ano pa kung saka-sakali ang hahanapin ng kanyang manager? Wika nga, she is already “made”.

At so far ay wala pang sakit sa ulo na ibinibigay si Liza kay Ogie.

“Mabait at marunong siyang makinig sa mga advices ko,” may pagmamalaking wika ni Ogie.

Ang manager at ang talent, parehong mabait na tao. (REMY UMEREZ)