Binokya ng five-time champion Adamson University ang De La Salle, 4-0, para hatakin ang record winning streak sa 65 games sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nagpatuloy naman ang National University sa kanilang pag- angat makaraang ungusan ang University of the Philippines, 3-2, para mapanatiling malinis ang karta sa apat na laro.

Ang panalo ay ikatlo para sa Lady Falcons para manatiling nasa ikalawang posisyon sa likod ng Lady Bulldogs.

Sa isa pang laro, dinurog ng University of the East ang Ateneo, 10-1,para umangat sa solong ika-4 na puwesto taglay ang barahang 2-2.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Bumagsak naman ang Lady Maroons sa barahang 1-2 para sa solong ikalimang puwesto habang nanatiling walang panalo ang Lady Archers (0-3) at Lady Eagles(0-4), ayon sa pagkakasunod.

Sa baseball, tinalo ng titleholder Ateneo ang NU, 8-4, para sa solong pamumuno hawak ang barahang 2-0, habang pinadapa ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 11-2, para tumabla sa kanilang biktima sa patas na barahang ,1-1, kasama ng Bulldogs.

Naipanalo naman ng De La Salle ang unang laro ngayong season matapos padapain ang UP, 7-4.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod para sa Maroons. (Marivic Awitan)