Hugh copy

IBINAHAGI ng aktor na si Hugh Jackman nitong Lunes ang kanyang pagpapagamot laban sa skin cancer sa ikalimang pagkakataon simula noong Nobyembre 2013.

“An example of what happens when you don’t wear sunscreen. Basal Cell. The mildest form of cancer but serious, nonetheless,” caption ni Jackman sa kanyang litrato na may bandage ang ilong. “PLEASE USE SUNSCREEN and get regular check-ups.” 

Bago iyon, si Jackman, 47, ay may apat na skin cancer—tatlo sa kanyang ilong at isa sa kanyang balikat—na tinanggal sa nakalipas na dalawa’t kalahating taon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ipinaliwanag ni Jackman kung paano niya nadiskubre na siya ay may cancer at ito ay nang mapansin ng kanyang makeup artist sa X Men: Days Of Future Past at ng kanyang asawa na si Deborra-Lee Furness na may bloody spot sa kanyang ilong at ipinasuri ito sa doktor. Inakala niya na resulta lamang ito ng isa sa mga eksena sa kanyang pagganap bilang Wolverine.

“It’s always a bit of a shock just hearing the word ‘cancer,’” pahayag ni Jackman sa People. “Being an Australian, it’s a very common thing. I never wore sunscreen growing up so I was a prime candidate for it.” 

(Yahoo News/Celebrity)