Nakapasok na rin sa “Magic 12” ang isang senatorial bet ng Partido Galing at Puso ng tambalang Poe-Escudero sa katauhan ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Win Gatchalian, sa huling survey ng Pulse Asia.

Lumitaw sa survey na statistically tied si Gatchalian kina Sen. Teofisto “TG” Guingona III at dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros sa ika-11 hanggang ika-13 puwesto sa senatorial race. Sina Guingona at Hontiveros ay kabilang sa Liberal Party senatorial slate na suportado ni Pangulong Aquino.

Sa survey noong Enero 23-28, sinabi ng Pulse Asia na nakakuha si Gatchalian ng 37.7 porsiyento sa voters’ preference habang sina Guingona at Hontiveros ay kapwa umani ng 41.1 porsiyento.

Ito ay nagpapatunay na si Gatchalian lang ang maituturing na malakas na kandidato sa pagkasenador ng PGP dahil siya lamang ang nakapasok sa “Magic 12” base sa survey.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang ibang PGP senatorial bet ay “inampon” ng United National Alliance (UNA), tulad nina Sen. Vicente “Tito” Sotto III, dating Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri, at dating Senador Richard Gordon.

Habang ang isa pang PGP guest candidate na pasok sa “Magic 12” ay si Sen. Ralph Recto, na kabilang sa “Daang Matuwid” slate ng Liberal Party.

Si Gatchalian ay nagsilbi ng tatlong termino bilang alkalde ng Valenzuela City at dalawang termino bilang kongresista ng unang distrito ng siyudad. (Ben Rosario)