Dennis Marasigan, Vic Acedillo Jr., at Zig Dulay copy

PORMAL nang ipinahayag ng festival director na si Maryo J. delos Reyes ang anim na official entries ng 1st ToFarm Film Festival. 

Ito ang pinakabagong local indie film festival na ang theme ay tungkol sa buhay ng mga magsasaka sa ating bansa.

Naririto ang masusuwerteng entries na nakalusot sa screening committee, na binubuo ni Direk Erik Matti, Roy Iglesias, at Jake Tordesillas – mga batikan sa kani-kanilang larangan:

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Free Range (modern drama) ni Dennis Marasigan (direktor ng Anatomiya ng Korupsiyon, Sa North Diversion Road, Tukso); Kakampi (magic realism) ni Vic Acedillo Jr (writer ng Batad: Sa Paang Palay, director ng Nerseri, at may entry rin sa Cinemalaya 2016); Pana-panahon (love story) ni Zig Dulay (Bambanti, M: M. Mother’s Maiden Name); Pitong Kabang Palay (drama) ni Maricel Cariaga (debut feature film); Pilapil (suspense action) ni Jose Johnny Nadela (Ang Sugarol); at, Pauwi Na (comedy road movie) ni Paolo Villaluna (Selda, Walang Hanggang Paalam).

Tatanggap sila ng P1.5M film grant kada isa. May incentive rin ang mga mananalo sa awards night, tulad ng P500,000 na cash prize sa Best Picture, etc.

Gaganapin ang 1st ToFarm Film Festival sa July 16-19, 2016 sa SM Cinemas.

Executive producer nito si Dr. Milagros How ng Universal Harvester, Inc. na ang business ay pawang sa agriculture. 

Naniniwala sila na maaaring maka-inspire ang film festival na ito sa farmers at sa kani-kanilang pamilya. Hindi man nila afford ang SM cinemas ticket prices, dadalhin naman ang mga pelikula at ipapalabas sa mga probinsiya para mapanood nila. (Mell Navarro)