Liza at Enrique copy copy

HALOS walong buwan nang pahinga si Enrique Gil sa telebisyon pagkatapos ng Forevermore with Liza Soberano. Sa pagbabalik ng tambalang LizQuen, ihahandog nila ang isang teleseryeng kinunan pa sa Italy ang mapapanood sa pagsisimula ng istorya. 

Kaya masayang-masaya si Enrique nang makapanayam namin sa presscon ng Dolce Amore.

“It feels good to be back since Forevermore. Nakaka-miss din, eh. So, sa mga hindi pa naka-get over sa Forevermore, heto na po kami ulit. Coming from the success of Forevermore, of course they’re going to expect na ‘yong Dolce Amore gano’n din. You can’t please everybody but you try your best. ‘Yong sinasabi ko lang, basta maka-enjoy tayo siyempre the people will see that din. So ‘pag nawala ‘yong essence ng enjoyment, wala na,” sabi ng aktor.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Gagampanan ni Enrique sa Dolce Amore ang karakter ni Tenten Ibarra, isang hardworking man na nakaengkuwentro ang young Italian socialite na gagampanan naman ni Liza Soberano. 

Ayon kay Enrique, lalo silang naging close ni Liza habang ginagawa ang Dolce Amore at pareho silang nag-eenjoy sa pagtatrabaho.

“Oo naman. Sa tagal naming nag-bonding sa Baguio. I think it’s a bad thing kung hindi, di ba? When you work with somebody, the more you work with somebody, it just gets deeper, the friendship and everything, the bonding.

Imposibleng hindi,” sabi pa ng young actor.

Kaya lang, mabibigo pa rin ang fans na umaasang may kissing scenes silang dalawa sa kanilang bagong serye. Tumuntong na raw kasi si Liza sa legal age last January 4, kaya inakala ng iba na susubukan na nitong gumanap sa mature roles.

“Wala pa po. Bata pa ‘yan. Wala pa po ‘yan. Sweet love lang dito. The love story is something very innocent, very real, light lang siya, ‘yong magaan lang,” depensa ng binata.

Sa pagganap bilang ordinaryong trabahador sa serye, nag-iba ang pananaw ni Enrique sa mga uring manggagawa.

Na-realize niya na masuwerte pa rin sila’t madali ang kanilang trabaho at pa-easy-easy lang kumbaga.

“I realized how easy we have it Like when I was shooting do’n sa construction site, nakikita ko ‘yong ibang construction working tinuturuan ako mag-welding. Sinabi ko, ‘Grabe, you just go around and see all these establishments and you take it for granted. You don’t know how hard these people work for that. And to be in it and do what they do, you have no reason to complain in what you’re doing compared to what they’re doing. So it just opens my mind. Iba. I don’t know. It shows you things that you didn’t know. It opens up your mind. It’s a humbling experience when you’re there,” sabi ni Enrique. 

Naitanong din sa aktor kung ano na ang estado ng relasyon ni Liza. Nabanggit kasi dati ni Enrique na seseryosohin na niya ang panliligaw sa dalaga kapag nag-debut na ito.

“It’s still the same. I would say it’s not like before. We developed some more. We’re in a place na we’re so happy.

I’m happy. You don’t really have to label anything as long as you guys are happy. So happy kami muna.” 

Safe ang answer ng dalawa no’ng tanungin kung ano ang kanilang plano sa darating na Valentine’s Day.

“We will be together all day sa grand launch (ng Dolce Amore) sa ASAP, and then meron kaming mall show in Market! Market in the afternoon,” sabi ng dalaga.

Inamin ni Enrique na may Valentine gift siya sa dalaga.

“Secret na lang, baka mabuking,” sabay tawa.  

Magpapanood na ang Dolce Amore simula sa Lunes (February 15) sa Kapamilya Primetime Bida. (ADOR SALUTA)