NEW YORK (AFP) – Opisyal na kinilala bilang biggest artist of 2015 si Adele, matapos na magtala ng mga bagong record ang awitin niyang Hello at ang bagong album niyang 25.

Ayon sa Global music industry body na IFPI, ang British ballad singer ang top-selling musical act noong nakaraang taon base sa nabentang recordings sa buong mundo.

Binura ng 25, ikatlong album ni Adele, ang record sa unang linggo ng bentahan sa United States at Britain.

Ang first track niyang Hello, isang introspective ballad katulad ng mga nauna niyang awitin, ay ang unang single na nakapag-download ng mahigit isang milyon sa loob lang ng isang linggo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa isang mula sa Europe nitong Lunes, tinawag ni IFPI chief executive Frances Moore ang 25 na “runaway global sensation of 2015” at sinabing ang tagumpay ni Adele ay “simply phenomenal.”

Pinipili ng IFPI, o International Federation of the Phonographic Industry, ang pararangalan nito base sa physical at digital sales ng singer at maging sa streaming, pero hindi ito naglalabas ng figures.

Isa ring British singer ang sumunod kay Adele, ang singer-songwriter na si Ed Sheeran, na ang career ay namayagpag sa loob ng ilang taon dahil sa kanyang sikat na ballad song na Thinking Out Loud.

Pumangatlo naman ang US country-turned-pop superstar na si Taylor Swift, na nanalo bilang IPFI Global Recording Artist matapos ilabas ang kanyang chart-topping album na 1989.

Kinumpleto naman ang top five ng Canadian pop celebrity na si Justin Bieber, na nag-release ng bagong album na pinamagatang Purpose, sa ikaapat na puwesto, at panglima ang One Direction.