Inaalam na ng Philippine National Police (PNP) ang detalye sa pagkasunog ng ekta-ektaryang plantasyon ng Narra sa Barangay Estancia, Piddig, Ilocos Norte, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Piddig Mayor Eddie Guillen na umabot sa 40 ektarya ng taniman ng Narra ang natupok.

Aniya, ang plantasyon ay bahagi ng National Greening Project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Piddig.

Ayon kay Guillen,naging pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil walang mapagkunan ng tubig sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naglaan ang alkalde ng P40,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

(Fer Taboy)