NAGKAROON ng singsing si Solange Knowles nang pakasalan siya ni Alan Ferguson noong Nobyembre 2014, ngunit nawala ng kapatid ni Beyonce ang nasabing sentimental accessory.

Ang 29 na taong gulang na singer ay naging honorary muse ng Krewe of Muses sa isinagawang Mardi Gras parade, at habang nakasakay sa kanilang float, maaaring nahubad ang singsing sa kanyang daliri. “Honorary Muse Solange lost her wedding ring between Toledano and Foucher,” post ng organisasyon sa Facebook nitong Biyernes. “Reward if found! Contact [email protected].”

Ang wedding ring ay disenyo ni Solange at ng Lorraine Schwartz at binubuo ng dalawang diamond. Ilang beses na itong ibinahagi ng singer sa kanyang Instagram account.

Bago nawala ang kanyang wedding ring sa parade, nagbahagi ng video si Solange na ipinapakita ang kanyang susuotin sa parade. “Thanks to one of my oldest and most lovely friends @itsjeremyscott for making me feel like a real Mardi Gras Queen in @moschino ,” caption ni Solange sa video. “So honored to be your Queen of Muses #kreweofmuses !!! We about to be turnt in that glitter shoe !!! See you soon Nola!” - ET Online
Tsika at Intriga

Jen Barangan, rumesbak sa sumitang netizen; tinawag na 'concert police'