BUKAS, ika-10 ng Pebrero, batay sa liturgical calendar ng Simbahang Katoliko, ay “Miercoles de Ceniza” o Ash Wednesday na simula ng Lenten Season o Kuwaresma. Ang Kuwaresma na hango sa salitang “quarenta” ay paggunita sa huling 40 araw ng pagtigil ni Kristo sa daigdig bago natupad ang pagliligtas sa sangkatauhan na ang naging katumbas ay ang Kanyang kamatayan sa Krus. Ang Lenten Season ay panahon ng pagbabalik-loob, pangingilin, pagbabagong espirituwal, pagdarasal, pagninilay, pagkakawanggawa at paglilingkod sa kapwa.

Bilang bahagi ng tradisyon ng mga Katoliko, tanawin sa buong bansa, maaaring sa umaga o sa hapon nagtutungo sa mga simbahan ang mga Katoliko upang makinig sa misa at magpalagay ng abo sa noo na hugis krus. Ang abong ginamit ay mula sa sinunog na mga palaspas na ginamit noong isang taon. Ang Ash Wednesday, katulad ng Biyernes Santo, ay isang araw ng pag-aayuno na dapat sundin ng mga Katoliko na nasa edad 18 hanggang 59. Ang mga senior citizen ay exempted o hindi kasama gayundin ang mga maysakit.

Noon, a0ng paglalagay ng krus na abo sa noo ay may dalawang pormula. Ang una ay ang pagsasabi ng pari sa salitang Latin ng “Memento homo quia pulvis est, et in pulveris revertaris.” Sa Tagalog, “Tandaan mo tao na sa alabok ka nagmula kaya sa alabok ka rin magbabalik.” Ang nabanggit na mga salita na gumugunita sa simula at wakas ng buhay ng tao ay pinalitan ng “Lumayo ka sa kasalanan at sumampalataya sa Ebanghelyo.” Layunin nito na bigyang-diin ang paanyaya sa buhay na moral ng tao kaysa makalupang wakas ng buhay ng tao—ang kamatayan na itinuturing at tinatanggap na isang pandaigdig na paniniwala at katotohanan.

Ang paglalagay ng abo sa noo ng mga Katoliko ay sinimulan at pinahintulutan ni Papa Celestino noong 1191. Sa nakalipas na maraming taon, ito ay itinuring na bilang alamat ngunit naging isang kaugaliang Kristiyano kapag sumasapit na ang Ash Wednesday. Ang tanda ng krus na abo sa noo ay simbolo na ang tao ay kasama ni Kristo na namatay sa Krus. Katulad din ito ng espirituwal na tanda na inilalagay sa noo ng mga Kristiyano kapag binibinyagan pang iligtas sa pagiging alipin ng kasalanan at kasamaan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Kuwaresma na gumugunita sa paghihirap, sakit at kamatayan ni Kristo sa Krus ay isa ring panawagan para sa pagbabayad-sala sa mga maling gawain. Ang bigat nito ay hindi lamang sa pag-aayuno kundi nasa pagtulong at pagkakawanggawa na pinatitingkad ng pag-ibig sa ating kapwa. (CLEMEN BAUTISTA)