Hiniling ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa administrasyong Aquino na maglaan ng karagdagang pondo sa pagpapalakas sa sektor ng agrikultura at industriya upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mamamayan.
Ito ang apela ni Gatchalian matapos pumalo ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng halos 5.8 porsiyento nitong 2015 bunsod ng pag-unlad ng service sector.
“Our country’s growth is mostly contingent on the growth of the services sector, which reflects the exclusivity of such growth. Value-generating and job-creating growth devolves from the strength of the agricultural and industrial sectors,” pahayag ni Gatchalian, senior vice chairman ng House Committee on Metro Manila Development at miyembro ng Trade and Industry Committee.
Nakapagtala ang sektor ng serbisyo ng 47.5 porsiyento sa kabuuang kita ng bansa habang ang sektor ng industriya at agrikultura ay nangungulelat sa 27.9 porsiyento at 7.9 porsiyento, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Noong 2013 at 2014, ang service sector ang nakakalap ng 46.8 porsiyento mula sa kabuuang kita ng bansa.
Bumagsak naman ang kontribusyon ng agrikultura sa 7.9 porsiyento noong 2015 mula sa 8.6 porsiyento at 8.3 porsiyento sa unang dalawang taon.
“That agriculture’s share is declining while the industry’s is constant only show that the government has been neglecting these industries which could have helped a lot of Filipinos escape poverty and improve their social mobility. Remember, most of our indigent countrymen depend on agriculture for a living,” ayon kay Gatchalian.