Enzo Pastor 1_FILE PHOTO_070216 (for Page 4) copy

Nabaon na sa limot, kasama ng 7,000 panukala sa Mababang Kapulungan, ang resolusyong naglalayong bigyan ng komendasyon ang pinatay na international race car driver na si Ferdinand “Enzo” Pastor.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon, nakabimbin pa rin sa House Committee on Sports and Youth Development ang HR 0654 na isinumite ni Parañaque City Rep. Eric Olivarez, na naglalayong parangalan si Pastor sa pagkakasali sa “elite cast of race car drivers” bilang All Star awardee sa National Association for Stock Car Auto Racing (NASCAR) Annual Awards noong Disyembre 14, 2013.

Isa si Olivarez sa mga may-akda ng kahilingang parangalan si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, na nakatanggap na ng pagkilala mula sa mga leader ng Kamara noong isang buwan.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isinumite ni Olivarez ang panukalang Pastor commendation isang buwan matapos niyang matanggap ang award at anim na buwan matapos patayin ang sikat na Filipino racer noong 2014.

Pumuwesto sa ikaapat si Pastor sa ikalawang karera ng exclusive 2013 Euro Race Car Nascar sa France at kinilala bilang isa sa pinakamagagaling na Asian racers.

Pinatay si Pastor noong Hunyo 12, 2015 ng motorcycle-riding-in tandem sa Quezon City. (Ben Rosario)