Nina BETH CAMIA at LEONEL ABASOLA

Pangungunahan ni Pangulong Aquino ang pangangampanya sa mga pambato ng administrasyon na sina Mar Roxas at Leni Robredo sa Panay Island, sa pagsisimula ng campaign period para sa national positions, sa eleksiyon sa Mayo 9.

Kabilang sa sasama sa campaign rally sa Roxas City at sa Iloilo ang senatorial candidates ng Liberal Party na sina Senate President Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto, Sen. TG Guingona, dating Sen. Kiko Pangilinan, dating Sen. Panfilo Lacson, dating Justice Secretary Leila de Lima, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating TESDA Chief Joel Villanueva, dating Congressman Mark Lapid, dating Congresswoman Risa Hontiveros, COOP-NATCCO Party-list Rep. Cresente Paez, at dating Undersecretary Nariman Ambolodto.

Mula sa Capiz, magsasagawa ng motorcade ang buong LP ticket patungo sa Iloilo City at doon sila magsasagawa ng campaign rally kasama ang Pangulo sa Freedom Park, bukas ng gabi.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Isang bonggang pagtitipon naman ang nag-aabang kay Vice President Jejomar Binay at sa katambal na si Senator Gregorio Honasan, sa Mandaluyong City, ngayong Martes.

Sa Plaza Miranda, sa Quiapo Manila naman maglulunsad ng kampanya ang tambalan nina Senators Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero.

Habang sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano ay sa Tondo, Maynila naman manliligaw ng mga botante sa unang araw ng pangangampanya ng mga national candidate.