Itinaon pa sa Chinese New Year ang brutal na pagpatay ng tatlo umanong construction worker sa isang mag-ina, habang nakaligtas naman sa kamatayan ang asawa nito, sa kanilang bahay sa Commonwealth, Quezon City.

Kinilala ni Supt. Robert T. Sales, hepe ng Batasan Police, ang mga biktimang sina Princesita Ochoa Villanueva, 66, retiradong kawani ng Quezon City Hall; at Christian O. Villanueva, 36 anyos.

Sugatan naman sa insidente ang asawa ni Aling Cita na si Ruben Villanueva, 68, empleyado ng QC Hall Accounting Department.

Agad namang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District sina Edilberto D. Escandor y Diaz, 27; at Bernabe C. Escario, 49, kapwa construction worker at nakatira sa Sitio Pagkakaisa, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinaghahanap na ng pulisya ang isang alyas “Beloy”, na umano’y foreman at nasa likod ng pagpatay sa mag-ina.

Base sa report ni Chief Insp. Elmer Monsalve, dakong 12:30 ng umaga nang mangyari ang brutal na pagpaslang sa mag-ina.

Nabatid na naglalaro ng bilyar sa Bitoon Circle sa Bgy. Commonwealth ang mga suspek at natalo ang mga ito.

Nang nagsiuwi sa bahay ng mga Villanueva sa No. 67 1st Street, Bitoon Circle, bumale umano ng pera si Beloy kay Aling Cita upang mabawi ang kanyang natalo sa bilyar, subalit hindi pumayag ang matanda.

Sa puntong ito, bigla na lang hinataw ng tubo ng mga suspek ang mag-ina, at nang tangkain ni Ruben na tulungan ang mag-ina ay pinalo rin siya sa ulo ng tubo ng mga suspek. - Jun Fabon