Lucky Aces

Ni ADOR SALUTA

NAPAKA-LUCKY ng Lucky Aces dahil sila ang hinirang na grand champion sa first season ng programang Dance Kids, ang reality dance contest para sa kabataan sa  ABS-CBN. 

Ang dance duo mula sa Canada ang nag-uwi ng grand prize na P2M cash plus Star Magic contract. Bukod sa cash, napanalunan din ng dalawa ang tig-isang house and lot at may bonus pang trip to Hong Kong Disneyland.  

Tsika at Intriga

Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens

Nakakuha ng 42-69 public votes ang Lucky Aces, samantalang ang 2nd and 3rd placers na Dhao Mac Macasipot at Step Kids ay meron namang 29.62% at 27.69% of votes respectively, at nag-uwi rin ng tig-P100,000.00.

Ginanap last Sunday ang Dance Kids grand champion sa Resorts World hosted by Robi Domingo and Alex Gonzaga.