Handa nang pumadyak sa kalsadahan ang Le Tour Pilipinas.
Sa pangunguna ni defending French champion Thomas Labas, muling masasaksihan ang husay at katatagan ng mga siklistang maghahangad ng UCI points at karangalan bilang premyadong rider sa 691-kilometer race.
Tatlong lokal na koponan -- 7/11 Road Bike Philippines, Philippine National Team at Kopiko Cebu – ang sasabak laban sa 11 foreign squad sa taunang karera na inorganisa ng Air 21 sa pakikipagtulungan ng Philippine Cycling Federation.
Ang Category 2.2 cycling competition ang kaisa-isang cycling race sa bansa na kinikilala ng International Cycling Union na nakabase sa Switzerland.
Ang unang lap ay may distansiyang 153 kilometro umpisa sa Antipolo at magtatapos sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon at ang pangalawang stage ay may distansiyang 204 kilometro mula Lucena hanggang Daet, Camarines Norte.
Ang ikatlong stage ay biyaheng Legazpi City na may layong 187 kilometro.
Magtatapos ang karera na babagtas sa kabuuan ng Legazpi at kabilang na dadadanan ang kapaligiran sa pamosong Mayon Volcano.
“It’s going to be another exciting and interesting cycling because of the presence of top foreign riders headed by defending champion Thomas Labas of France,” sambit ni organizing chief Donna May Lina.
Ang mga foreign teams ay Minsk Cycling Club (Belarus), Skydive Dubai (United Arab Emirates), Team Ukyo (Tokyo), Team Novo Nordisk (USA),Global Cycling (Holland), Team Sauerland (Germany), LX IIBS Cycling (Korea), Korail Continental (Korea), Terengganu Cycling Club (Malaysia), Attaque Team Gusto (Taiwan), at Black Inc. Cycling (Laos).