Magbabalik ang LBC Ronda Pilipinas sa nakawiwiling lugar ng Mindanao sa pagsasagawa ng una sa tatlong yugto ng karera simula Pebrero 20-27.

Babagtasin ng mga siklista ang mala-paraisong tourist destination sa Butuan, Cagayan de Oro at Dahilayan, Manolo Fortich, gayundin ang Malaybalay sa Bukidnon.

“We at the LBC Ronda Pilipinas is excited to return to Mindanao,” sabi ni Ronda project director Moe Chulani.

Ipinaliwanag ni Chulani na ang Mindanao ang madalas makadiskubre nang matitibay na siklista sa nakaraang yugto kabilang na ang Butuan City pride na si Reimon Lapaza, na hindi nakikilala bago na lamang sinopresa ang buong komunidad ng bisikleta sa Pilipinas sa pagtatala ng matinding panalo sa huling lap dalawang taon na ang nakalilipas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Traditionally, Mindanao has its share of strong riders like Lapaza. This year, we hope to produce more champions from the region,” ayon kay Chulani.

Opisyal na magsisimula ang Ronda sa Pebrero 20 sa isang road race mula Butuan City at pabalik bago isagawa ang isang criterium sa nasabing lugar sa ikalawang araw. Magtutungo ito sa Cagayan de Oro sa Pebrero 23 bago naman ang isang Individual Time Trial sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 at tatapusin sa isa pang criterium mula naman sa Malaybalay sa Pebrero 27.

Ang Visayas leg ay bubuuin ng Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental sa Marso 11, Stage Two na criterium sa Iloilo City sa Marso 13, ang Stage Three road race mula Iloilo tungong Roxas City sa Marso 15, ang Stage Four criterium at ang Stage Five ITT na gaganapin sa Roxas sa Marso 17.

Kukumpletuhin ang Ronda sa isasagawang Luzon leg na binubuo ng Stage One criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3, ang Stage Two ITT mula Talisay paakyat sa Tagaytay sa sunod na araw, Stage Three criterium sa Antipolo City sa Abril 6, ang Stage Four road race simula Dagupan patungo sa Baguio sa Abril 8 at ang Stage Five criterium sa City of Pines.

Ang edisyon ngayong taon na suportado ng LBC at LBC Express at itinataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Mitsubishi at Versa Radio-Tech 1 Corp., kasama ang Maynilad at NLEX bilang minor sponsors ay katulong din ang Aliw Broadcasting Corp. bilang official radio partner.

Nagdagdag din side event tulad ng executive races sa mountain bike at ang community ride na asam isali at iparamdam ang halaga ng cycling sa publiko para sa lahat ng mahihilig sa bisikleta.

“Ronda is giving everyone a chance to not just be discovered and represent the country in future international race but also to simply give them a chance to feel the Ronda experience by joining our community ride,” pahayag ni Chulani.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” aniya.

Lahat ng interesadong lumahok ay maaaring bumisita sa official Facebook page ng Ronda na https://www.facebook.com/girodepilipinas/?fref=ts at i-download at ipadala ang inyong impormasyon sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat sa Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Brgy. Ususan, Taguig City.