dicaprio inarritu

LOS ANGELES (AP) — Ang Mexican director na si Alejandro Inarritu ang nagwagi ng top feature film directing award nitong nakaraang Sabado mula sa Directors Guild of America para sa magandang trabaho niya sa The Revenant.

Si Innaritu rin ang nanalo ng nasabing award noong nakaraang taon para sa kanyang direksiyon sa Birdman, isang pelikula tungkol sa paghihirap ng isang Hollywood actor. Siya ay nanalo sa Oscars bilang best director para sa nasabi ring pelikula.

Ang ilan sa mga nakatunggali ni Innaritu para sa nasabing parangal ay sina Tom McCarthy (Spotlight), Adam McKay (The Big Short), George Miller (Mad Max: Fury Road), at Ridley Scott (The Martian).

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Ang Directors Guild of America Awards ay taun-taong tagapaghatid ng Oscar winners sa best director at best picture categories.

“I’m the only woman on both of the feature lists, so that feels like a lot of responsibility,” ayon kay Marielle Heller, na sumali sa Directors Guild matapos ang The Diary of a Teenage Girl, dahilan upang maging nominado siya. “I’m hoping that next year we’ll be at least half of that list, and then by the next year, there shouldn’t be any men on that list, right?”

Sa anim na nominado sa pagdidirek ng TV miniseries o movie, ay tatlo ang babae. Ito ay sina Angela Bassett (Whitney), Laurie Collyer (The Secret Life of Marilyn Monroe) at Dee Rees (Bessie).

Nominado si Amy Schumer bilang co-director ng kanyang Comedy Central show, at si Chris Rock ay nominado naman sa pagdirek ng “Live at the Apollo” ni Schumer sa HBO special.

Ang mga parangal sa lahat ng kategorya ay ipapalabas sa Sabado ng gabi sa dinner ceremony sa Hyatt Regency Century Plaza hotel sa Los Angeles.