Kathryn at Diego copy

NAGKAGUSTO pala si Diego Loyzaga kay Kathryn Bernardo noong Growing Up days nila. Inamin niya ito sa Gandang Gabi Vice na umere nitong nakaraang Linggo.

Kaya alaskado si Diego na hindi tinantanan ni Vice Ganda habang kaharap si Daniel Padilla na boyfriend na ni Kathryn at tawa naman nang tawa si Alexander Diaz na kaibigan din ng dalawang aktor.

Paliwanag ni Diego sa GGV, mga bata pa sila noon kaya walang nangyaring ligawan, pero naging close raw sila ni Kathryn at happy siya na nakikita niyang masaya ngayon ang dalaga sa piling ni Daniel.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nabanggit pa ni Diego na naka-move on na siya dahil ilang taon na rin naman ang nakalipas.

Mukha ngang naka-move on na si Diego na nagkaroon na ng non-showbiz girlfriend pagkatapos ng kabanata nila noon ni Kathryn, pero hindi naman daw sila nagtagal dahil mahirap ang schedules niya noon sa tapings bukod pa sa bumabalik siya sa Australia para ayusin ang citizenship niya.

Samantala, sinulat namin kamakailan ang sinabi ni Sofia Andres na good friends lang sila ni Diego. Pagkatapos ng finale presscon ng Pangako Sa ‘Yo, nakausap namin si Diego sa gazebo ng ABS-CBN bago siya umuwi.

“Sofia and I are geat, were good friends,” sabi ni Diego. “Heto magkausap kami ngayon (hawak ang cellphone), actually susunod (ako), kakain lang muna kami ni Ate (personal assistant niya) kasi hindi pa kami kumakain. Pupunta kami sa event ng Vans na magkasama kami ni Sofia ro’n (as endorsers). Nakuha ako sa Vans dahil kay DJ (Daniel) at kay Sofia, were good friends.”

Talaga bang good friends pa lang sila ni Sofia?

“Yeah, we are really good friends,” napangiting sagot kasi wala namang balak o naghahanap si Sofia ng relationship more than friends and same with me naman. We’re being nice to each other naman. Nagustuhan namin ang company ng isa’t isa kasi it became like a common thing talaga na magkasama kami sa Chill Out, sa Vans and then magkakaroon kami ng project (teleserye), so parang may mga workshop din. So parang it was not planned na almost everyday magkakasama kami talaga, sa MMK (Maalaala Mo Kaya) din kami, so unplanned. We kinda like each other’s company kaya may mga balita na lumalabas kami, so ‘yun,” paliwanag ng aktor.

“Heto pa, nakita rin kami sa club, baka isipin nagdi-date kami sa club kasi magkasama kami. Kasi we have mutual friends pa, it was the birthday of Julian Estrada (anak nina Sen. Jinggoy Estrata at Precy Vitug), so nakita kami sa Valkyrie (BGC). At saka ipinagpapaalam ko naman si Sofia kay Tita Monet (mommy ng dalagita).”

Naaliw kaming pakinggan magsalita ng Tagalog si Diego dahil kahit hirap na hirap na ay pinipilit niyang gamitin ang ating sariling wika. 

Nag-usap nga ba sila ni Iñigo Pascual tungkol kay Sofia, para saan ba ang pag-uusap na iyon?

“Magkaibigan po kami ni Iñigo, opo, napag-usapan nga namin ito sa GGV (taping) kanina na ang mga lalaki na usapan ang loyalty na hindi na kailangang pag-usapan.

“Parang may rules kami, bro-code, siyempre kung ex ng isang bro, hindi sa hindi puwedeng (ligawan), pero there’s an awkwardness to it. Pero sinabi ko kasi (kay Iñigo) na magiging love team ko si Sofia, hindi ko naman pinili ‘yun, it’s the management choice. So parang sinabi ko lang sa kanya in the most gentle, kindness and sincere way na, ‘Bro, there’s no disrespect, it’s just work, work is work.’ Kaya kapag tinatanong ako kung ano’ng mayroon sa amin ni Sofia, sabi ko we’re friends,” paliwanag ni Diego.

Paano kung magka-develop-an sila, tulad ng ibang love teams?

“Wala po akong masasabi ro’n, pero as of now po, malabo pang mangyari ‘yun, focus sa work po and she’s (Sofia) just 17 and I’m 20, hindi naman ganu’n kalaki ang age gap,” napangiting sagot ng binata.

“I’m extra nice to Sofia, I’m always thinking kung anong interest niya, kung okay kapag kasama ko siya. Hindi naman sa gentleman ako sa lahat, but when it comes to Sofia, lagi kong iniisip kung she’s alright, kung naiilang ba siya sa mga kasama namin, kasi na’pakilala ko na siya sa mga kapatid ko (mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano), sa erpat ko, sa ate ko (Angela), kasi baka isipin niya, rushing in the things, na-awkward siya. So I’ll make sure na things always alright between us, ayokong may katrabaho ako na hindi kami okay,” maayos na paliwanag ni Diego.

Maganda ang pagtanggap ng pamilya ni Diego kay Sofia at lalo na ang mga nakababata niyang kapatid na dalagita dahil magkakasama pa silang gumimik.

Binanggit din ni Diego na binisita na rin siya ni Sofia sa taping ng Pangako Sa ‘Yo na labis na ikinatuwa ng aktor.

“Tuwang-tuwa nga po ako, nu’ng binisita niya ako sa taping ng Pangako, I guess natuwa rin naman siya nu’ng isinama ko siya sa mga kapatid ko saka sa birthday ng ate ko. I really enjoy her company and kahit ‘yung dad and mommy niya, I get along with them, her brothers and her sister,” kuwento ng aktor. (REGGEE BONOAN)