Kelly Olynyk and Rajon Rondo

BOSTON (AP) – Sa pagkakataong ito, hindi kinailangan ng Boston Celtics na maghabol at talunin ang buzzer.

Hataw sina Avery Bradley sa naiskor na 25 puntos at Isiah Thomas na kumana naman ng 22 puntos para sandigan ang Celtics sa dominanteng 128-119 panalo kontra Sacramento Kings nitong Linggo (Lunes sa Manila).

‘’Whenever you get a chance to run up and down and move the ball like we did tonight, it’s fun,’’ pahayag ni Bradley. ‘’And not only that, we were making shots. When everybody’s making shots, everybody’s happy.’’

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa laro laban sa Cavaliers nitong Sabado, naghabol ang Celtics mula sa 15 puntos na bentahe at nagawang agawin ang panalo mula sa buzzer-beating 3-pointer ni Bradley. Sa panalo sa Kings, nakuha ng Celts ang ika-siyam na panalo sa huling 10 laro.

Nag-ambag si Jared Sullinger ng season-high 21 puntos, habang kumubra si Tyler Zeller ng season high 17 puntos at 7 rebounds para sa Boston.

‘’The one thing is our offense has been pretty good the last 10 games,’’ sambit ni Boston coach Brad Stevens. ‘’I don’t think we’re 128 points good. We’re probably due for games like that. You’re going to have games like the other night when we’re struggling to get to 100.’’

Nanguna sa Kings si DeMarcus Cousins na may 31 puntos, habang tumipa sina Marco Belinelli at Darren Collison ng tig-16 puntos para sa ikapitong kabiguan ng Sacramento sa walong laro.

MAGIC 96, HAWKS 94

Sa Orlando, Fla., naisalpak ni Nik Vucevic ang 18-footer jumper sa buzzer para maungusan ng Magic ang Atlanta Hawks.

‘’It’s been a rough month for us, a lot of losses, so it’s good to get a win against a good team,’’ sambit ni Vucevic, tumapos na may 22 puntos at 9 na rebound.

Nakopo ng Magic ang ika-apat na panalo sa huling 21 laro laban sa Hawks.

Hataw sa Hawks si Jeff Teague sa nailistang 24 puntos, habang kumana si Kent Bazemore ng 23 puntos at 8 rebound.

NUGGETS 101, KNICKS 96

Sa New York, kuminang ang husay ni rooklie Emmanuel Mudiay sa unang pagtungtong sa pamosong Madison Square Garden matapos umiskor ng 15 puntos para gabayan ang Denver Nuggets kontra sa inaalat na Knicks.

‘’It was a big fourth quarter for me. I think probably top-three fourth quarter,’’ sambit ni Mudiay, umiskor ng 9 sa krusyal fourth period bukod sa 9 na assists. ‘’As long as we get the win, that’s the main thing. Even if I was passing the whole time, I’m making plays. But I was taking what the defense gave me and that’s what happened tonight.’’

Nag-ambag sina Danilo Gallinari at Will Barton ng tig-19 puntos sa Nuggets, nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa huling apat na laro.

‘’I thought Emmanuel Mudiay was terrific,’’ pahayag ni Nuggets Coach Michael Malone. ‘’Made some huge plays for us down the stretch. Nine assists, zero turnovers, for a 19-year-old rookie point guard is outstanding.’’

Hataw sa Knicks si rookie Kristaps Porzingis na may 21 puntos at 13 rebounds, habang kumubra si Carmelo Anthony ng 21 puntos, 7 assist at 6 na rebound sa kanyang pagbabalik-aksiyon matapos magpahinga bunsod ng pamamaga sa kanang tuhod.

CLIPPERS 100, HEAT 93

Sa Miami, naapula ng Los Angeles Clippers ang paglagablab ng opensa ng Miami sa krusyal na final period para maiuwi ang panalo.

Ratsada si Cris Paul sa game-high 22 puntos, tampok ang magkasunod na 3-pointer sa huling minuto ng laro para matuldukan ang paghahabol ng Heat.