CABIAO, Nueva Ecija - Siyam na tama ng bala ng baril ang ikinamatay ng isang 42-anyos na barangay chairman matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem, nitong Pebrero 6 ng tanghali, sa Barangay San Carlos sa bayang ito.

Sa ulat na ipinarating ng Cabiao Police kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si Rolando Miranda Bautista, may asawa, chairman ng Bgy. San Carlos.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Crizolo Caguiat, dakong 12:00 ng tanghali at minamaneho ng biktima ang barangay service vehicle (TJE-530) sakay ang asawang si Lydia Bautista at isang apo.

Sandaling hinintuan ng kapitan ang nadaanang hipag na si Alicia Santiago Alvero, 40, at habang kausap ito ay biglang huminto sa tapat nila ang mga suspek at binaril ng nakaangkas ang biktima.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Napuruhan sa mukha si Bautista, habang nadaplisan sa braso ang asawa, samantala tinamaan din ng ligaw na bala si Alvero.

Tumakas ang mga suspek patungo sa Bgy. Palasinanang, habang agad namang naisugod sa Cabiao General Hospital ang mga biktima. (Light A. Nolasco)