LAMITAN CITY, Basilan – Nasa 30 ektarya ng kagubatan sa Barangay Balansing sa siyudad na ito ang kasalukuyang nasusunog dahil sa matinding tagtuyot na dulot ng El Niño phenomenon.

Nagpahayag ng pangamba kahapon ang pamahalaang lungsod na kung hindi agad na maaapula ang pagliliyab ay magdudulot ito ng napakalaking pinsala sa mga puno sa kagubatan.

Sinabi naman ni City Administrator Danny Alvaro na nagsilikas na rin ang mga residente malapit sa kagubatan, na nagsimulang magliyab limang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Alvaro, posibleng lumapad pa ang apektado ng sunog dahil sa matinding tagtuyot sa lungsod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, magpupulong ang mga opisyal ng lungsod kasama ang mga opisyal ng Bgy. Balansing at ng mga kalapit na barangay upang makahanap ng solusyon para mapigilan ang pagkalat ng apoy at maiwasang lumaki ang pinsala ng bush fire.

Napaulat na magkakasa rin ang pamahalaang lungsod ng malawakang information drive upang turuan ang mga residente kung paano maiiwasan ang bush fire, lalo na ngayong may El Niño. (Nonoy E. Lacson)