Inamin ng isang opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ang kanilang grupo ang responsable sa panununog sa ilang heavy equipment ng isang kontratista sa Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.

Isang Kumander Ambunawas ang nagsabing ang BIFF nga ang nanunog sa nabanggit na kagamitan, at pasimuno sa mga pag-atake sa nakalipas na mga araw.

Sinabi naman ng 1st Mechanized Brigade ng Philippine Army na mahigit 20 ang nasugatan sa BIFF, na pinamunuan ng isang Kumander Bungos, nang makipagsagupa sa militar kamakailan.

Isa namang sundalo ang nasugatan, gayundin ang dalawang sibilyan, ayon sa militar. (Leo P. Diaz)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?