Walang namamataang bagyo o sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR), sa gitna ng pag-uulan sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang pag-ulan ay epekto lang ng isolated thunderstorms, na bunsod ng buntot ng cold front.

Tinukoy naman ng PAGASA ang umiiral na northeast monsoon na nagpapaulan sa Calabarzon at Mimaropa areas, Bicol, Eastern Visayas, Capiz, Aklan, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, at Metro Manila. - Rommel P. Tabbad
Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon