Hinihiling ng Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list sa Kongreso na magpatibay ng batas para sa paglalaan ng “right of way” para sa mga bisikleta at iba pang non-motorized transport system sa unang 1.5 metro hanggang dalawang metro sa dakong kanan ng lahat ng lansangan at highway, maliban sa mga toll-regulated expressway.

Sinabi ni PBA Spokesman Jericho Nograles na ang malaking problema sa paglalaan ng bike lanes ay ang halaga at maintenance sa mga ito.

Dahil dito, sa halip na mahirapan sa paghahanap ng pondo upang makapaglagay ng mga bike lane sa buong bansa, dapat ay may awtomatikong appropriation para sa tinatawag na “bike or non-motorized lane” sa lahat ng lansangan nang hindi na kailangan pa ang anumang special marker.

Kamakailan lang, isang single mom, si Lorelei Melevo, ang namatay nang masagasaan ng isang garbage truck habang nagbibisikleta sa bike lane sa Marikina City.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Isa si Melevo sa maraming siklista na namatay o nasugatan dahil sa aksidente sa lansangan sa nakalipas na dalawang buwan.

“There is an increasing number of fatal accidents involving bikers because of the prevailing ignorance of many motorists especially on the rights of bikers to also use the road just like any form of transportation,” ani Nograles. - Bert de Guzman