Bukas para sa lahat ng badminton aficionado ang paglahok sa 9th Prima Pasta Badminton Championships sa Pebrero 25-28 at Marso 5-6 sa Powersmash Badminton Courts sa Pasong Tamo, Makati City.
Ayon kay organizing committee chairman Alexander Lim, pinahaba nila ang araw ng laro para mabigyan ng pagkakataon ang maraming kabataan na makilahok at makiisa sa taunang torneo.
“Again, we would like to announce that we’re happy to extend the number of days to six this year. The participants in the tournament come from all over the country and has been steadily increasing over the past eight years,” pahayag ni Lim.
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Badminton Association (PBA), ang torneo ay naglalaan ng karampatang puntos para sa kalahok sa Open Division batay sa Philippine National Ranking System (PNRS).
Ang Open singles ay bukas lamang sa men’s at women’s category.
Paglalabanan din ang boys’ and girls’ singles events sa Under 19, 17, 15 , 13 at 11 category, habang ang boys and girls doubles ay lalaruin sa Under 19, 17 at 15.
Inaasahan ang pagsabak ng mga premyadong local player na sina Marky Alacala, Poca Alcala, Paul Vivas, Joper Escueta, Peter Gabriel Magnaye, at Ronel Estanislao.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina JC Benipayo (09174494258); Yoly Araullo (09328740454); Sonny Montilla (09052273048); at Mike Alayon (09178071514).