panagbenga 2016

Sinulat at mga larawang

kuha ni RIZALDY COMANDA

MULING umalingawngaw ang tunog ng drums at lyres ng elementary students suot ang magarbo at makukulay na costume sa pagbubukas ng tinaguriang crowd drawer ng North Luzon, ang 21st edition ng Panagbenga Flower Festival, noong Pebrero 1 sa Summer Capital of the Philippines.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Labing-isang kalahok mula sa iba’t ibang elementary school sa lungsod ng Baguio ang nagtagisan ng kanilang husay sa drum and lyre habang tinutugtog ang iba’t ibang folk at cultural song at Panagbenga hymn, kasabay ang masaya, makulay at nakakaindak na streetdancing.

Sa temang “Bless The Children With Flowers,” ngayong taon ay ipinakikita at ipinadadama ang kahalagahan ng festival na ito sa kabataan.

“Ang Panagbenga ay isang tradisyon sa lungsod hindi na makakalimutan, kaya sa bawat taon na selebrasyon ay pawang makabago na magbibigay ng kasiyahan sa ating mga manonood,” pahayag ni Executive Co-Chairman Anthony de Leon, ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc.

Mula noong 1995 ay naging tradisyon na rin sa mga manonood, hindi lamang sa lokal kundi maging mga banyagang turista, na magtungo sa lungsod at makiisa sa kasiyahan sa Panagbenga o Blooming of Flowers tuwing Pebrero.

Ang mga lumahok ngayon sa kompetisyon ay ang Baguio Central School, Aguinaldo Elementary School,  Apolinario Mabini Elementary School, Dominican – Mirador Elementary School, Dona Aurora Elementary School, Don Mariano Elementary School, Josefa Carino Elementary School,  Jose P. Laurel Elementary School,  Lucban Elementary School,  Manuel L. Quezon Elementary School at  Pinget Elementary School.

Panagbenga-2

Ang defending champion sa magkasunod na taon ay ang Mabini Elementary School na siguradong mas lalong huhusayan para makuha ang Hall of Fame sa elementary division category.

Sa naganap showdown at elimination round  sa Athletic Bowl, walo ang pinalad na mapili na muling sasabak sa final judging competition at makakasabay nila ang mga kalahok sa secondary at college division sa grand streetdancing parade sa Pebrero 27.

Kaugnay nito, hindi lamang kasiyahan ang hatid ng Panagbenga sa business establishments, sa mga sidewalk vendors at drayber ng pampubulikong sasakyan sa lungsod at mga karatig-bayan, kundi sa malaking income na hatid nito. Muli, inaasahan ang milyong manonood na dadagsa para makibahagi sa grand streetdancing at flower floats parade sa Pebrero 27 at 28.