Number One si Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas sa survey ng isang sikat na istasyon ng radyo sa FM band na Monster Radio.

Itinanong sa mga nakikinig na kung ngayon gaganapin ang eleksiyon ay sino ang kandidato sa pagkapangulo na kanilang iboboto.

Mula sa kabuuan ng 2,524 na respondent, ay 59 porsiyento ang bumoto kay Roxas.

Malaki ang agwat sa pangalawang puwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 31 porsiyento habang pangatlo si Sen. Grace Poe na nakakuha ng pitong porsiyento at ikaapat naman si Vice President Jejomar Binay, na nakakuha ng tatlong porsiyento.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Katulad ni Roxas ay wagi rin sa Monster Radio Survey ang kanyang running mate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 52 porsiyento.

Habang kalahati lamang ang nakuha ng pangalawa sa survey na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng 25 porsiyento.

Pangatlo si Senador Allan Peter Cayetano na mayroong 13 porsiyento ng mga boto at kulelat si Senador Francis Escudero na nakakuha lamang ng 10 porsiyento. - Beth Camia